Hirap umano ang mga miyembro ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association o PAGASA na magbenta ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) sa kabila ng pahayag ng gobyerno na mabibili na ang NFA rice sa mga supermarket.
Magugunitang lumagda ang PAGASA ng memorandum of agreement sa NFA at Department of Trade and Industry (DTI) upang payagan ang pagbebenta at pagbili ng NFA rice sa mga supermarket.
Gayunman, aminado si PAGASA President Steven Cua karamihan sa 200 miyembro nila ay walang permit upang makapagbenta ng NFA rice.
Kailangan pa anyang sumailalim sa inspeksyon ang mga supermarket na nais magbenta bago bigyan ng permit na kanila namang babayaran sa NFA.
—-