Isinusulong ng mga supermarket owner ang pagtanggal sa Suggested Retail Price o SRP.
Ito’y upang mabigyang pagkakataon ang mga consumer na maghanap ng ibang brand ng produktong abot kaya ang presyo at manatili ang kompetisyon.
Aminado si Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua na tumaas ang presyo ng basic commodities sa nakalipas na anim na buwan kaya’t dapat ng tanggalin ang SRP.
Ayon kay Cua, ang mga manufacturer ang dapat magdikta ng presyo ng kanilang mga produkto at hindi rin patas para sa mga consumer kung lahat ng produkto ay tataas gayong mayroon namang ibang brand na mas mura.
Samantala, binigyan na lamang ng Department of Trade and Industry ang mga interesadong supermarket owner o organization ng hanggang July 7 upang makapagsumite ng position paper hinggil sa issue ng SRP.
By Drew Nacino
Pagtanggal sa suggested retail price o SRP iginiit was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882