Hindi masasayang ang mga suplay na gagamitin para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE) Election sakaling ipagpaliban ang halalan.
Ito ang sinabi ni Commission on Election (COMELEC) Spokesperson Rex Laudiangco na maaari nilang itago ang mga suplay at gamitin ito sakaling matuloy ang BSKE election sa bagong schedule.
Aniya, ito ang ginawa ng ahensya nang ma-postponed ang naturang halalan noong 2017 hanggang 2018.
Nabatid na sinabi ni Laudiangco na kinikilala ng COMELEC ang kapangyarihan ng kongreso na magpasa ng batas na ipagpaliban ang barangay at SK Election.