Hindi pa nawawalan ng pagasa ang mga supporters ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tatakbo rin ito sa pagka-pangulo para sa 2016 elections.
Ayon kay Dave Diwa, Coordinator ng Run Duterte Volunteers, naniniwala silang puwede pang magbago ang isip ni Mayor Duterte hanggang sa October 15, ang huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy at Disyembre naman para sa substitution of candidates.
Problema sa pamilya aniya at ang kapakanan ng Davao City ang nakikita nilang dahilan kung bakit hindi makumbinsi si Duterte na dapat itong tumakbong Pangulo sa eleksyon.
Una rito, nagpalabas na ng statement si Duterte na hindi siya tatakbong Pangulo sa 2016 at sa halip ay tatakbo itong re-eleksyonista sa Davao City.
“Hinahanap talaga siya ng tao eh kaya hindi minamasama ang kanyang desisyon na ganyan, kaya naniniwala pa rin kami sa kanya, every word that he utters, naniniwala kami, kapag sinabi niya na I’m agonizing, I’m having difficulty, I have peoblems with my family, I don’t want to run, lahat ‘yan totoo eh, so para sa amin ang last reckoning nito is Decemeber 12 midnight and December 15.
Samantala, aminado naman si dating North Cotabato Governor Manny Piñol na maraming nasagasaan sa deklarasyon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi siya tatakbong pangulo ng bansa.
Kabilang aniya dito si Congressman Manny Pacquiao na sigurado na sanang tatakbong senador sa ilalim ni Duterte.
Ayon kay Piñol, sobra silang nagulat sa deklarasyon ni Duterte dahil naayos na nila noon pang isang linggo ang paghahain sana nito ng certificate of candidacy para sa presidential elections nitong October 15.
Inamin ni Piñol na maraming kunsiderasyong isinaalang-alang si Duterte kaya’t hindi ito makapagdesisyon kung tatakbong pangulo o hindi kabilang dito ang kahihinatnan ng Davao.
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas | Kasangga Mo Ang Langit