Tinutugis na ng mga awtoridad ang mga suspek sa pagpapasabog sa 6 na school buildings sa bayan ng Sultan Mastura sa Maguindanao.
Kabilang sa mga pinasabugan ay ang Tapayan Central School, Dagurungan Elementary School, Tuka Elementary School, Darping Elementary School, Tareken Primary, at Simuay Seashore Elementary School na kapwa gagamitin bilang poll centers sa May 9 election.
Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives o SOCO, gumamit umano ng granada, mortar, M-16 armalite rifle, at 40mm rifle grenade ang mga suspek.
Ayon kay Senior Inspector Wendylyn Banico, Sultan Mastura Chief of Police, wala namang nasaktan sa mga nabanggit na pag-atake.
By Jelbert Perdez