Kinasuhan na ng Department of Justice ang mga suspek sa magkasunod na pambobomba sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.
Ayon kay Justice Undersecretary Mark Perete, kasong multiple murder at multiple frustrated murder ang isinampa ni Acting Sulu Provincial Prosecutor Rommel Cancio sa principal suspect na sina Mukammar Pay alyas ‘Kammah’; Alnaji Gadjali alyas ‘Apah’, Radjan Gadjaliw, Kaiser Gadjalli at Said Alih.
Kabilang sa kaso ang 23 bilang ng murder at 95 bilang ng frustrated murder.
Sinampahan din ng kaso ang ilang pang akusado maging ang mga hindi pa nakikilalang akusado na nananatiling at-large o nagtatago.