Hiniling na ng National Bureau of Investigation na isailalim sa preliminary investigation ang mga suspek sa Italian Missionary na si Father Fausto Tentorio matapos ang resulta ng imbestigasyon ng binuong fact-finding team ng Department of Justice at N.B.I.
Kabilang sa ipinasasailalim sa imbestigasyon ang mga respondent na sina Army Lt. Col. Joven Gonzales at Major Mark Espiritu maging ang ilang miyembro ng Para-Military Group na Bagani.
Inirekomenda ring ipasailalim sa preliminary investigation ang ilan sa mga suspek na sina Jimmy Atto alyas Ayan Matteo, Jimmy Intar, Roberto Intar, Jun Kurbala at nasa dalawampung sundalo na nagsagawa ng Bayanihan Activity malapit sa Arakan Elementary School, North Cotabato noong paslangin si Tentorio.
Magugunita noong Oktubre 17 taong 2011 nang pagbabarilin ang Italyanong misyonaryo sa loob ng simbahan sa naturang lugar.