Pormal nang kinasuhan ng isang animal welfare group ang mga suspek na sangkot sa pagpatay sa isang aso sa Pilar, Capiz.
Matatandaang nag-viral kamakailan sa social media ang video ng brutal na pagpatay sa aso kung saan inilambitin ito sa basketball ring at paulit-ulit na pinaghahampas.
Ayon sa social media post ng Capiz Animal Welfare Advocates Inc., sinampahan nila ng kasong paglabag sa Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act ang apat na suspek, kabilang na ang amo ng aso.
Umaasa ang naturang animal welfare group na magsisilbi ang kanilang naging hakbang bilang wake-up call para sa animal abusers at iresponsableng pet owners.