Nasakote na ng mga pulis sa Cebu City ang dalawang suspek sa pagpatay sa retiradong government prosecutor na si Atty. Salvador “Buddy” Solima.
Kinilala ni Cebu City Police Office Director, Senior Supt. Royima Garma ang mga suspek na sina Alberto Baluyos Junior at Ricarte del Corro na naaresto sa magkahiwalay na operasyon.
Ayon kay Royima, ang dalawa ang itinuro ng mga testigong bumaril kina Salvador at asawa nitong si Verose na nananatiling kritikal ang kondisyon.
Lunes ng hapon nang pagbabarilin ang mag-asawa sa kanilang bahay sa Singson Village, barangay Guadalupe.