Inilagay na ng Department of Justice (DOJ) sa Immigration lookout bulletin order ang tatlong (3) suspek sa ‘rent-tangay’ scam.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, kinabibilangan ito nina Ana Pamplona Borlon, lea Constantino rosales at Rafaela Anunciacion na pawang iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI).
Si Anunciacion ang itinuturong mastermind sa ‘rent-tangay’ scam na nakapambiktima na ng daan-daang car owner.
By Meann Tanbio | Report from Bert Mozo (Patrol 3)