Mananatiling suspendido ang klase sa ilang mga lugar na matinding sinalanta ng bagyong Ulysses ngayong araw ng Sabado.
Kabilang sa mga nagdeklarang kanselado ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ay ang mga lungsod ng Maynila, Pasig at Marikina.
Bukod sa lubog pa rin sa baha ang ilang mga barangay sa nabanggit na lungsod, mahina pa rin ang signal ng internet kaya’t tiyak nang mahihirapan ang mga estudyante.
Wala ring klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong mga paaralan sa lalawigan ng Cavite.
Samantala, inanunsyo ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa kanilang lungsod hanggang sa Martes, Nobyembre 17.