Handang i-welcome ni incoming PNP Chief Ronald Dela Rosa ang mga drug pusher na kusang susuko at magtitimbre ng mga kakilala nitong nag-ooperate ng iligal na droga sa bansa.
Ayon kay Dela Rosa, pasok ito sa battle cry ng Administrasyong Duterte na “change is coming” dahil ang ibig sabihin ng pagsuko ng mga tulak ng droga ay nais nilang magbago na ng buhay.
Tumanggi naman si Dela Rosa na idetalye kung ano ang gagawin niya sa mga susukong drug pusher dahil hindi pa naman siya ang nakaupong PNP Chief.
Kung ngayon naman aniya susuko ang mga drug pusher, pinayuhan ni Dela Rosa ang mga ito na pumunta sa media at magpatulong sa pagsuko saka siya hahanap ng paraan kung ano ang gagawin dito.
By: Meann Tanbio