Dapat bantayan ang mga susunod na pagkilos ni US President Donald Trump.
Ayon kay Professor Ramon Casiple, isang political analyst, tiyak na tatamaan ang Pilipinas dahil may mga indikasyon na tutuparin ni Trump ang kanyang mga ipinangako noong kampanya lalo na sa isyu ng mga immigrants sa Amerika.
Gayunman, sinabi ni Casiple na dahil sa mukhang maganda naman ang magiging relasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte kay Trump, posible itong makipag-negotiate sa bagong pangulo ng Amerika.
Bahagi ng pahayag ni Professor Ramon Casiple
‘Be careful’
Nagbabala ang militanteng grupong BAYAN O Bagong Alyansang Makabayan kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-ingat sa pakikitungo kay US President Donald Trump.
Ayon sa BAYAN, dapat manatili ang Pangulo sa kanyang independent foreign policy at huwag magpapadikta sa kahit kaninong bansa.
Ginawa ng grupo ang pahayag kasunod ng inaugural speech ni Trump noong Sabado kung saan, sinabi nito na kanyang i-aangat ang mga kababayan nilang nakalimutan na ng pamahalaan.
Ngunit ayon sa grupo, tila kabaligtaran lamang ng naging pahayag ni Trump ang kanyang nais mangyari na pansarili lamang at para lamang sa kapakinabangan ng mga Amerikano at hindi ng mga itinuturing nitong kaalyado.
By Len Aguirre | Credit to: Balitang Todong Lakas (Interview) | Jaymark Dagala