Kalunos-lunos ang sinapit ng lalawigan ng Bohol matapos masalanta ng bagyong Odette.
Dahil sa pinsalang iniwan ng bagyo, wala paring kasiguraduhan kung kailan maibabalik sa lugar ang turismo na pangunahing kabuhayan ng lalawigan.
Ayon sa mga residente, mayroong mga dumarating narelief goods mula sa gobyerno at meron ding galing sa mga Non Government Organization (NGO) ngunit hindi ito sapat dahil sa kakulangan sa aspeto ng logistics dahil sa limitadong daraanan ng mga trak.
Maaalalang malaki rin ang naging dagok ng pinsala sa naturang lugar ng Covid-19 pandemic. —sa panulat ni Mara Valle