Nagsimula nang maghanda ang mga residente ng Ilocos Norte para sa paghahatid sa huling hantungan sa dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Sinimulan na ng mga residente ang repainting ng Marcos Mausoleum sa Batac City kung saan nakalagay ang mga labi ng dating Pangulo sa nakalipas na mahigit 20 taon.
Samantala, patuloy ang pagdagsa ng mga loyalista at supporters ng Marcoses sa musoleo para makita ang mga labi ng dating Pangulo bago tuluyang ihimlay sa Libingan ng mga Bayani.
Ang dating Pangulo ay namatay habang nasa exile sa Hawaii noong 1989 at iniuwi ang kanyang mga labi sa Ilocos Norte noong 1993 kung kailan din inilagay na ito sa glass coffin sa Marcos Mausoleum.
By Judith Larino