Nagsasagawa na ng panayam at pagbabahay-bahay ang mga tauhan ng DSWD o Department of Social Welfare bayan ng Itbayat, lalawigan ng Batanes
Ito’y kasunod ng ipagkakaloob nilang Emergency Shelter Assistance sa mga pamilyang nawalan ng tahanan dahil sa pagyanig ng 2 malalakas na lindol sa nasabing bayan may isang Linggo na ang nakalilipas
Sa ilalim nito, makatatanggap ng tig-30 libong piso ang mga apektado kung ang kanilang bahay ay lubhang napinsala
Habang 10 libong piso naman ang matatanggap ng mga pamilyang nakaranas ng bahagyang pinsala sa kanilang kabahayan
Maliban dito, isasailalim din ng mga Social Workers sa Critical Incident Stress Debriefing ang mga apektado lalo na iyong mga nananatili pa rin sa Evacuation Site partikular na sa palengke ng barangay San Rafael
Kasabay nito, patuloy namang nakatutok ang dswd sa kanilang mga Field Office para umalalay at magpadala ng Emergency Equipment gayundin ng Quick Response Team kung kinakailangan