Agad nagsibalikan ng kani-kanilang mga tahanan ang mga residente sa bayan ng Lemery sa Batangas.
Ito ay matapos na ibaba sa alert level 3 ang bulkang Taal.
Gayundin, ang anunsyo ni Batangas Governor Hernando Mandanas na nasa pagpapasiya na ng mga lokal na pamahalaan sa 18 mga bayan at siyudad na hindi na sakop ng 7 kilometer radius danger zone ang pagpapa-uwi sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Kasunod nito, sinimulan nang linisin ng mga taga-Lemery ang kani-kanilang mga bahay na nababalot pa rin ng abo na ibinuga ng bulkang Taal.
Nakiusap naman ang mga residente sa awtoridad na ibalik na ang suplay ng tubig at kuryente sa bayan para manumbalik na rin sa normal ang kanilang mga buhay.