Hiniling mismo ng lokal na pamahalaan maging ng mga residente ng Marawi City sa pamahalaan na bigyan na lamang sila ng salapi para makapagsimula ng kanilang nasirang mga buhay na dulot ng nangyaring bakbakan duon.
Iyan ang inihayag ni Senate Sub-Committee on Housing Under the Adhoc Committee on the Marawi Rehab Chairman Senator JV Ejercito ang nakikita niyang magandang pag-isipan upang mapabilis ang pagtatayo ng mga bahay sa lugar.
Handa aniya siyang iendorso ang hirit na ito ng mga residente at lokal na pamahalaan upang maging mas epektibo at mas mabilis ang pagbangon ng lungsod kumpara sa mga sinalanta ng ‘super bagyong Yolanda’ noong 2013 na hindi pa rin ganap na nakababangon hanggang ngayon.
DWIZ Patrol Reporter Cely Ortega-Bueno
Posted by: Robert Eugenio