Papayagan na ng mga otoridad ang mga taga-Marawi na bumalik sa kanilang mga lugar upang magtayo ng kani-kanilang mga bahay sa Disyembre.
Paglilinaw ni Marawi City Mayor Majul Gandamra, papayagan lamang sila magtayo ng bahay ngunit hindi pa pwedeng tumira dito.
Pababalikin lamang aniya ang mga ito oras na maitayo na ang kanilang bahay dahil sa lagay ng syudad ay hindi pa ito pwedeng tirhan.
Dagdag pa ng alkalde, wala pang suplay ng tubig at kuryente sa lugar kaya hindi pa pwedeng pabalikin ang kanilang mga mamamayan.
Sa ngayon ay hindi pa masabi ng otoridad ang eksaktong petsa kung kailan mababalik ang suplay ng tubig sa Marawi City.