Nasasabik na ang mga taga-Mindanao para sa Administrasyong Duterte dahil magkakaroon na umano ng hustisyang panlipunan sa napabayaang Mindanao.
Ito ang sinabi ni Ateneo de Davao University President Father Joel Tabora.
Aniya, matagal nang ramdam sa Mindanao ang tinaguriang Manila Imperialism dahil tanging Luzon, partikular ang Metro Manila, ang nakikinabang sa mga polisiya ng gobyerno.
Nakalimutan na, aniya, ang Mindanao habang natugan ang mga problema sa kamaynilaan.
Sinabi ni Tabora, masaya ngayon ang mga taga-Mindanao dahil mayroon nang pambansang pinuno ang Pilipinas na magdadala ng malinaw na hustisyang panlipunan na siya aniyang tugon sa usapin ng pang-aabuso sa mga yaman ng Mindanao.
By: Avee Devierte