Buo ang pag-asa ng mga taga-Mindanao na makakamit na rin nila ang matagal nang inaasam na kapayapaan sa rehiyon kapag tuluyan nang naipasa ang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Kahapon, libu-libo ang nagtipon sa Old Provincial Capitol sa Sultan Kudarat, Maguindanao para sa Bangsamoro Assembly na inorganisa ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.
Ayon kay Bangsamoro Transition Commission Chairman Ghadzali Jaafar, umaasa silang maipapasa na sa lalong madaling panahon ng Kongreso ang nasabing panukala lalo’t mismong si Pangulong Duterte na ang humiling na paspasan na ang pagpasa rito.
Kabilang sa mga dumalo sina Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM Governor Mujiv Hataman, Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo, dating Lanao Del Sur Representtaive Pangalian Balindong at panauhing pandangal si Pangulong Rodrigo Duterte.
—-