Nakakuha ng 94 na porsyentong awareness rating at 70 prosyentong performance rating si Metropolitan Mnaila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa pinakahuling survey ng Pulse Asia survey.
Batay sa resulta ng nasabing survey, higit pa sa kuntento ang mga residente ng NCR kung paano ginagampanan ni Tolentino ang mga tungkulin nito.
Samantala, hindi pa nagdedeklara si Tolentino na tatakbo ito sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections.
By Avee Devierte