Nagsimula na di umanong mag-aklas ang mga mamamayan ng Kidapawan North Cotabato dahil sa gutom.
Napag-alaman kay dating North Cotabato Governor Manny Piñol na tinatayang 10,000 mamamayan ang humarang sa national highway ng Kidawapan City North Cotabato at nagbabalak na i-ransak ang bodega ng National Food Authority (NFA).
Matatandaan na nitong Pebrero ay idineklara na ang state of calamity sa North Cotabato dahil sa pagsalanta ng El Niño at pagsalakay ng mga daga sa bukirin.
Hanggang nitong Pebrero, pumalo na sa mahigit P400 milyong piso ang halaga ng nasirang mga pananim sa North Cotabato na nakaapekto sa mahigit sa 20,000 magsasaka.
By Len Aguirre | Karambola