Nangangamba na ang mga nasa shipping industry sa bansa sa pagpupumilit umano ni Philippine Ports Authority General Manager Jay Santiago na ipatupad ang Trusted Operator Program-Container Registry and Monitoring System (TOP-CRMS).
Ito’y sa kabila ng mariing pagtutol ng iba’t ibang stakeholders, kabilang ang mismong PPA Board at Anti-Red Tape Authority na nagresulta sa kanselasyon ng proyekto.
Ang 900 million peso TOP-CRMS project ay inisyatibo ng joint venture ng Shiptek Solutions Corporation, Nexix at Union Bank, na may kaugnayan sa mga maimpluwensyang negosyante at isinulong ni Santiago simula pa noong 2021.
Nag-ugat ang pagkabahala ng mga taga-shipping industry kay santiago dahil sa tagal nang pamumuno nito sa PPA Na isang mahalagang papel sa port management.
Sa kabila ng mga hindi pa napatutunayang alegasyon ng katiwalian laban kay santiago, duda ang industry sources sa kanyang liderato kasabay ng panawagang magkaroon ng transparency at accountability sa isang mahalagang government position.
Samantala, nagtataka rin ang industry sources kung bakit nananatili sa pwesto si Santiago at kinuwestyon kung sino ang nasa likod niya at bakit tila matindi ang suporta sa kanya ng Malakanyang.