Hindi susuko ang mga kaibigan at supporters ni Davao Mayor Rodrigo Duterte para kumbinsihin itong tumakbo sa pagka-pangulo sa 2016.
Sinabi sa DWIZ ni Kapitan Mar Masanguid, Founder at President ng Duterte for President 2016 Movement na hindi sila panghihinaan ng loob kahit pa hindi sinipot ni Duterte ang rally kahapon sa Luneta.
Lalo aniyang naging marubdob ang kaguustuhan nilang tumakbo ang alkalde sa 2016 dahil sa dami ng mga taong nagpakita ng suporta sa alkalde.
Sinabi ni Masanguid na kahit number four si Duterte ngayon sa survey ay alam nilang mangingibabaw din ang alkalde dahil sa pagiging action man nito.
“Kahit si Mayor number 4 sa survey pero tinatago ng survey yung talagang resulta. Ang mga tao ngayon talagang mararamdaman mo talaga, talagang Duterte halos sasabihin ng mga tao,” paliwanag ni Masanguid.
By: Aileen Taliping (Patrol 23)