Muling hiniling ng mga taga-suporta ni Vice President Leni Robredo sa Korte Suprema na tumatayong P.E.T o Presidential Electoral Tribunal na tanggapin ang kanilang kontribusyon bilang counter protest fee.
Iginiit ni Museo Pambata Founder Christina Lim Yusonon ng grupong Piso para kay Leni Movement na walang rules sa P.E.T na nagbabawal sa mga botante na magbayad ng filling fees maliban pa sa mayruon silang legal standing sa nasabing protesta bilang tax payers at registered voters.
Pinuna rin ng grupo ang umano’y pagpayag ng P.E.T sa pagtanggap sa bayad ng 3rd parties sa balanse ni dating Senador Bongbong Marcos nang walang katanungan habang ibinasura naman ang sa kanila.
Magugunitang ibinasura ng P.E.T ang hirit grupo na tanggapin ang kanilang kontribusyon para mabayaran ang protest fee ni VP Leni na nagkakahalaga ng 7.4 Milyong Piso para mapunan ang kabuuang 15.4 Milyong Piso bilang kontra protesta ng Bise Presidente.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo
SMW: RPE