Napuno ng emosyon ang mga taga-Davao matapos hindi nagpakita si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy (COC) sa COMELEC sa Intramuros, Manila.
Dismayado ang mga taga-Matina lungsod ng Davao dahil sa naniniwala siya na malaki ang maitutulong ni Duterte sa bansa.
Samantala, maliban kay Mayor Duterte, hindi rin nakita sa COMELEC Davao ang kanyang anak na si dating Mayor Inday Sara Duterte.
Kahapon ng alas-2:00 ng hapon ay ipinakita ni Atty. Inday Sara ang kanyang COC ngunit matapos ang alas-5:00 ng hapon ay hindi nito naihain sa COMELEC ang mga dokumento.
Ngunit sinabi naman ng isang hindi nagpakilalang opisyal na dahil sa hindi nakapaghain ng kanyang COC si Duterte ay ang susunod na strategy naman ngayon ng kampo ng mayor ay ang substitution na aasahan bago ang Disyembre 10, 2015.
Di itinuloy
Hindi itinuloy ni dating Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang paghahain ng COC o Certificate of Candidacy para tumakbong muli bilang alkalde ng lungsod.
Ayon ito kay Bong Go, executive assistant ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte
Sinabi ni go na ipa-file ni Sara ang COC niya kung iwi-withdraw ng ama ang isinumite nitong COC sa pagka-alkalde ng lungsod at tumakbong Pangulo ng bansa
Subalit desidido na aniya si mayor duterte na tumakbong re-electionist at hindi sa mas mataas na posisyon.
By Mariboy Ysibido | Judith Larino