Nagsagawa ng malakawang pagkilos ang mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kasabay ng paggunita ng kaaarawan ni Gat Andres Bonifacio.
Isinagawa ang mga pagkilos sa Mendiola, Davao, Bacolod at iba pang lugar sa bansa kung saan layuning i-alok sa Pangulo ang Revolutionary Government.
Ayon kay DILG Assistant Secretary Epimaco Densing, ginagalang nila ang deisisyon ng Pangulo na huwag magdeklara ng Revolutionary Government, ngunit mahirap naman aniyang mapigilan ang taumbayan na gusto nang isulong ito.
Paliwanag pa ni Densing gagawing pamalit ang revolutionary government sa parliamentary form of government.
Ito rin aniya ang nakikita nilang paraan upang maipatupad ng Pangulo ang mga gusto niyang pagbabago ngunit tila malabo sa ngayon na umusad ang pag amyenda sa konstitusyon.
Kaya naman mismong ang taumbayan na ang nagpupursigi na maisulong ang Rev Gov para sa pagbabagong kailangan ng Pangulo.