Nadagdagan pa ang mga sumusuporta kay Senator Grace Poe sa laban nito sa mga kumukwestyon sa kanyang citizenship sa Senate Electoral Tribunal (SET).
Pinag i-inhibit ni human rights lawyer at dating Senador Rene Saguisag si Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio dahil sa naging pahayag nitong naturalized citizen si Poe.
Giit ni Saguisag na ang katulad ni Poe na isang foundling ay itinuturing bilang natural born citizen alinsunod sa United Nation Universal Declaration of Human Rights.
Aniya, hindi dapat na ipagkaakit kay Poe na kilalanin bilang isang Filipino.
Para naman kay dating Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban, ikinokunsidera bilang national born Filipino si Poe sa ilalim ng international law kung saan kabilang ang Pilipinas na bumuo.
Paliwanag ni Panganiban batay sa 1961 Convention in the Reduction of Statelessness, kinikilala ang foundling na mamamayan ng bansa kung saan ito natagpuan.
By Rianne Briones