Umapela ang pamahalaan sa publiko na panatilihin hanggang sa tahanan ang pagsunod sa minimum health protocols laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Inter-Agency Task Force (IATF) co-chairman at DILG Sec. Eduardo Año, marami nang pag-aaral ang nagsasabing sa tahanan na madalas nagkakaroon ng hawaan ng sakit.
Kadalasan kasing hindi nasusunod ang physical distancing at nakalilimutang maghugas ng kamay o katawan ng mga miyembro ng pamilyang lumalabas ng bahay.
Kasunod nito, hinimok din ni Año ang mga nagtatrabaho na gumamit na lamang ng bisikleta o motorsiklo papasok sa halip na sumakay ng pampublikong sasakyan upang maiwasang mahawaan ng sakit dulot ng virus.