Nakatakdang magpatupad si Pangulong Rodrigo Duterte ng mas istriktong patakaran laban sa mga tamad na empleyado ng gobyerno sa susunod na buwan.
Sa pagsasalita ng pangulo sa harap ng mga Yolanda victims sa Tacloban City, Leyte kahapon, sinabi nitong bumabagal ang aksyon ng gobyerno sa maraming pangangailangan ng mga Pilipino dahil sa mabagal na pagkilos ng mga kawani ng pamahalaan.
Inutusan nito ang mga ahensya ng gobyerno na mabilis na aksyunan ang request o anumang papeles na hinihingi sa anumang tanggapan at departamento.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Hinikayat din nito ang mga regional directors ng mga ahensya na maging huwaran kung saan ito ang unang dapat na dumating sa opisina at huli namang aalis dito.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Rianne Briones