Hinikayat ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA ang mga tambay na mag-aral para matuto ng technical education.
Ayon kay TESDA Director General Gene Mamondiong, sa halip na umistambay sa kanto ay pinayuhan ang mga walang ginagawa na magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng TESDA o TESDA accredited training centers para sa libreng training.
Sa pamamagitan ng pagsasanay ay maaaring matuto ng mga technical skills na maaaring magamit sa pagtatrabaho at pagnenegosyo.
Ang naturang pagkilos ay bilang suporta ng TESDA sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa mga nagkalat na tambay na naghahasik ng kaguluhan at nag-iinom sa lansangan.
—-