Sarado muna ang central office at mga tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Metro Manila.
Ito, ayon sa LTFRB, ay para maisalang sa swab test ang kanilang mga empleyado.
Ipinabatid ng LTFRB na wala munang transaksyon sa LTFRB hanggang sa Lunes, ika-26 ng Abril, subalit bukas naman ang technical division ng ahensya para sa pagproseso online ng ilang requests.
Kabilang dito ang mga request for special permit at correction ng typographical error, confirmation of units, franchise verification, issuance o extension provisional authority, legal concerns/query, information systems management division at public utility vehicle modernization program national project management office.
Sinabi ng LTFRB na ang mga applicant ay maaaring magfile ng request sa pamamagitan ng pag-download ng form sa website, pag-fill out at i-e mail ito sa kinauukulang division at hintayin ang resulta nito sa www.ltfrb.gov.ph.