Naka half-mast na rin ang bandila sa mga tanggapan ng pamahalaan ngayong Martes at maging ang lahat ng hukuman sa buong kapuluan kasama na ang Court of Tax Appeals, Sandiganbayan at CA o Court of Appeals hanggang Hunyo 16.
Bahagi ito ng pakikidalamhati ng bansa sa limamput walong (58) sundalo at mga pulis na nasawi sa bakbakan sa Marawi City.
Nauna nang nag half-mast ng bandila ang lahat ng kampo militar sa bansa kasabay ng pagdating sa Metro Manila ng labi ng marines na pinakahuling nasawi sa Marawi City.
By Len Aguirre