Dumipensa ang Office of the Ombudsman sa inilabas nitong memorandum hinggil sa paglilimita ng access sa Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng mga opisyal ng pamahalaan.
Ito’y makaraang umani ng kaliwa’t kanang batikos ang nasabing tanggapan dahil isa umano itong malinaw na paglabag sa umiiral na Freedom of Information Act.
Ayon kay Ombudsman Samuel Martirez, tanging ang mga opisyal ng pamahalaang nakapaghain na ng SALN sa kanilang tanggapan ang tanging sakop lamang ng kaniyang memorandum.
Paglilinaw pa ni Martirez, hindi saklaw ng kaniyang memorandum ang tanggapan ng Pangulo, mga kalihim ng Kamara at Senado, Clerk of Court at adminsitrador ng Korte Suprema, Civil Service Commission at iba pang kawani na hindi nabanggit.