Humingi ng tulong ang mga magsasaka mula sa Negros Occidental sa pamahalaan dahil sa patuloy na pananalasa ng isang klase ng peste sa kanilang mga pananim.
Base sa report, kumakalat sa mga taniman ng gulay at mais ang fall army worms na siyang sumisira sa mga ito.
Ayon sa office of the provincial agriculture, nasa halos anim na ektarya na ng taniman ang mais ang naapektuhan.
Sa ngayon ay bumuo na ng faw task force pata sa monitoring at agarang pagsasagawa ng pest control sa mga tanimang apektado.