Personal na sasagutin ni On Leave Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang mga tanong sa isasagawang oral arguments kaugnay sa kinakaharap na Quo Warranto Petition.
Tiniyak ito ni Atty Josa Deinla, isa sa mga tagapagsalita ni Sereno sa gitna na rin nang patuloy na paggigiit na walang merito ang nasabing petisyon at dapat ibasura ng high tribunal.
Una nang kinatigan ng Supreme Court En Banc ang mosyon ni Sereno na magkaruon ng oral argument sa petisyon na itinakda naman sa April 10 sa SC Compound sa Baguio City.