Nais malaman ni Vice President Jejomar Binay kung anong klaseng mga tanong ang ginamit sa survey ng Pulse Asia.
Sa harap na rin ito ng pagbaba ng trust at approval ratings ni Binay nitong Setyembre kumpara noong Hunyo.
Ayon kay Binay, kung tungkol sa performance niya sa trabaho ang itinanong ng pulse asia sa mga respondents, mukhang mali naman aniya ito.
Paano aniya masusukat kung wala na nga siyang trabaho sa mga petsang isinagawa ang survey.
Hunyo 2015 nang magbitiw si Binay bilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino bilang Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers’ concerns at ang pagiging Chair ng Housing and Urban Development Coordinating Council.
Bukod dito, binitiwan niya rin ang pagiging Chairman Emeritus ng Inter-agency Council Against Trafficking and head of the Presidential Task Force Against Illegal Recruitment.
By: Meann Tanbio | Alan Francisco