Patuloy ang dagsa ng mga tao sa Binondo, Maynila sa gitna ng pagdiriwang ng Lunar New Year ng mga Filipino-Chinese maging ng milyon-milyon pang Tsino sa buong mundo.
Kabilang sa dinaragsa ang Lucky Chinatown Mall at Ongpin Street kung saan libo-libo ang sumaksi sa dragon at lion dance, fireworks display sa pagsalubong sa Lunar New Year.
Dinudumog din ng mga mamimili ang ilang establisyimento na nagbebenta ng tradisyunal na handa tuwing Chinese New Year na tikoy maging ang mga feng shui shop para bumili ng mga lucky charm partikular ang mga dog figurine ngayong year of the earth dog.
Samantala, bantay sarado naman ng Manila Police District o MPD ang ilan pang mataong lugar maging ang daloy ng trapiko sa Binondo at Santa Cruz.
Magugunitang idineklara ng Malacañang na special non-working holiday ngayong araw, Pebrero 16 bilang pagdiriwang ng Lunar New Year.
—-