Naniniwala si Philippine General Hospital (PGH) Spokesman Dr. Jonas Del Rosario na nagrelax ang mga tao kaya’t tumaas ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sinabi ni Del Rosario na pinayagan na rin kasing lumabas ang mas maraming tao lalo na yung mga nagbabyahe na sa mga tourist destinations bukod pa sa ibang nakakalimot sa pag-obserba sa minimum health protocols
Ayon pa kay Del Rosario, maaaring nakaapekto rin sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 ang UK at South African variants ng coronavirus na na-detect na sa bansa.