Tuloy-tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga bumibisita sa Manila North Cemetery ngayong araw, November 2, All Soul’s Day.
Ito ay bagama’t mas kakaunti lamang ang mga ito kumpara kahapon.
Sa pinaka-huling tala kaninang alas otso ng umaga, nasa 17,800 na ang bilang ng mga bumisita sa Manila North Cemetery.
Nananatili namang nakaantabay ang daan-daang mga pulis para magbigay seguridad sa Manila North Cemetery ngayong araw.
Una nang sinabi ng PNP na nananatili silang naka-full alert status hanggang bukas, November 3 kung kailan inaasahang mag-sisibalikan ng Metro Manila ang mga nag-siuwian sa probinsiya.