Parami pa umano ng parami ang mga taong gobyerno na nasasangkot sa pagtutulak o di kaya’y paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ito ang inilabas na report ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Order sa pamumuno ni Senadora Grace Poe.
Batay sa tala ng PDEA mula taong 2011 hanggang 2015, aabot sa 548 mga taong gobyerno ang naaresto dahil sa iligal na droga.
Dahil dito, inihayag ni PDEA Dir. Gen. Art Cacdac na patuloy pang tumataas ang nasabing bilang kada taon kung saan, karaniwang nasasangkot ang mga law enforcers tulad ng pulis at sundalo, halal na opisyal ng gobyerno kabilang na ang barangay gayundin ang karaniwang kawani ng pamahalaan.
By Jaymark Dagala