Umabot na sa mahigit 100 katao ang naaresto dahil sa paglabag sa curfew at quarantine na ipinatutupad sa buong Luzon.
Ayon kay DILG Usec. at Spokesman Jonathan Malaya, tila naging kampante na ang ating mga kababayan at naglalabasan upang tignan ang magiging reaksyon sa kanila ng otoridad.
Muling nakiusap ang dilg sa lahat ng mamamayang Pilipino na sundin ang mga panuntunan sa enhanced community quarantine (ECQ) upang hindi masayang ang anumang nakamit na nating tagumpay laban sa (COVID-19) sa naunang isang buwan.