Pinangangambahang dumoble sa taong ito o pumalo sa halos 300-milyon ang bilang ng mga taong magugutom dahil sa pagbagsak ng ekonomiya dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon ito sa pagtaya ng World Food Programme (WFP) ng United Nations na nagsabing inaasahang 130-milyong tao ang makararanas ng gutom ngayong taon dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic sa nawalang kita sa turismo, bumagsak na remittances at pagbiyahe at iba pang restrictions.
Sinabi ni Arif Husain, chief economist at director of research, assessment and monitoring ng WFP na matindi ang epekto ng COVID-19 sa food security dahil nasa 135-milyon na ang mga taong nagugutom bago pa man ito mameste sa mundo.