Hinikayat ng Criminal Investigation & Detection Group ng Philippine National Police (PNP-CIDG), ang mga taong nasa likod ng pagdukot sa mga nawawalang sabungero na makipagtulungan sa kaso.
Kasunod ito ng pagbuo ng PNP-CIDG ng tracker team para mahanap ang dalawang suspek na kamakailan lamang ay kinasuhan ng Department of Justice ng kidnapping at serious illegal detention.
Ayon kay Police Major Mae Ann Cunanan, tagapagsalita ng PNP-CIDG, bibigyan nila ng pagkakataon ang mga suspek na makipagtulungan sa pambansang pulisya na makatutulong upang matukoy ang mastermind sa kidnapping.
Sinabi naman ng tagapagsalita na isa pa rin sa prayoridad ng PNP ang paghanap sa mga nawawalang sabungero na matagal nang nawawala.