Kailangan ang mga tapat at batang pulis para ibalik ang Oplan Tokhang sa Philippine National Police.
Ito ang inihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang sagot sa mga panawagan na ibalik ang Oplan Tokhang dahil umakyat umano ng 20 porsyento ang bentahan ng iligal na droga mula nang suspindihin ang nasabing operasyon.
Sinabi ni Pangulong Duterte na inatasan na niya si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa na maghanap ng mga bata at mapagkakatiwalaang tauhan at gawing marshalls kontra iligal na droga.
Kapag nakapagharap si Dela Rosa sa kanya ng mga bagong pulis na walang bahid ng korapsyon, saka lamang niya ibabalik ang Oplan Tokhang.
Pakingan : Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte
By: Avee Devierte / Aileen Taliping