Maayos na nailatag sa 50th Foreign Ministers Meeting ang mga dapat talakayin sa paghaharap ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations leaders at dialogue partners nito sa Nobyembre.
Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, ito ang pangunahing naging layunin ng pagpupulong ng mga foreign ministers ng mga bansang kasapi ng ASEAN kasabay ng ika-limampung anibersaryo ng ASEAN.
Maliban sa mga lider ng ASEAN, inaasahang darating sa bansa sa Nobyembre para sa pulong si Chinese President Xi Jinping at US President Donald Trump na kapwa kabilang sa dialogue partners ng ASEAN.
Kabilang sa inaasahang mabubuo sa pulong ng mga ASEAN leaders ang code of conduct sa South China Sea.
“Ang purpose ng first meeting ng ASEAN Heads of State tapos itong 50th Foreign Ministers meeting is to pave the way for the Heads of State meeting na mangyayari sa Nobyembre kasama na ang Russia, China at Japan, lahat ng isyu ay naplantsa na at lahat ng pag-uusapan will be the culmination. As the chairman of ASEAN this year, ipinapakita nito na ang Pilipinas ay nag-level up na, na tayo’y tumatayo sa sarili nating paa, at may paninindigan.”
By Len Aguirre | Ratsada Balita Interview