Binalaan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Chief Superintendent Joel Pagdilao ang mga station commanders na tatamad-tamad sa trabaho.
Ayon kay Pagdilao, dapat kumilos ang mga station commanders upang mapababa ang bilang ng krimen sa kanilang nasasakupan.
Sinabi ni Pagdilao na kanilang isinasailalim na ngayon sa assessment ang mga pulis at kanilang station commanders upang matukoy kung sino ang nagtatrabaho at kung sino ang mga tatamad-tamad.
Maliban dito, mayroon ding red teams ang NCRPO na siyang magba-validate aniya sa mga isusumiteng crime statistics ng mga district commanders.
By Ralph Obina