Parurusahan na ang mga tatanggap ng booster shots laban sa COVID-19 at magsisinungaling sa kanilang vaccination information record sa Muntinlupa City
Ikinasa kahapon ng Muntinlupa City council ang ordinance number 2021-262 na magpapataw ng parusa sa hindi tama ang vaccination record form kasama na ang mga magpapaturok ng booster shots
Papatawan ng P5-K multa at maaaring makulong mula anim hanggang walong buwan ang lalabag sa naturang ordinansa
Batay rin sa ordinansa, ilegal ang mga nagpapabakuna ng booster shots at maaaring mahuli at makulong ang sinomang lalabag rito.