Ipinalalagay sa Watchlist ng Bureau of Immigration ang mga opisyal ng kumpaniyang SMARTMATIC
Ito’y ayon sa grupong Mata Sa Balota ay dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa umano’y pandaraya nuong nakalipas na halalan
Ayon kay Rodolfo Javellana, Convenor ng grupo, kailangang maimbestigahan ang mga kinasuhang opisyal ng SMARTMATIC na siyang supplier ng mga Vote Counting Machines o VCM
Giit pa ng grupo, nangyari na ang dayaan mula pa lamang sa lebel ng presinto hanggang sa central server ng COMELEC sa pamamagitan ng pagpapalit ng Hashcode
Kabilang sa mga ipinalalagay sa watchlist sina SMARTMATIC President for Southeast Asia Cesar Flores; Heider Garcia; Marlon Garcia; Elie Moreno; Neil Banigued; Mauricio Herrera; Andres Kapunan; Rouie Peñalba; Nelson Herrera at Frances Mae Gonzales
By: Jaymark Dagala